malungkot ang gabi
tila nakikiayon
sa aking nararamdaman
napakadilim ng kalangitan
ang mga bituin
ay nagsipagtago
at pati ang buwan ay nakiisa
sa mga ulap
ay ikinanlong
ang taglay nitong liwanag.
kumidlat
kumulog
bumuhos ang ulan
kasabay ng paglandas
ng mga luha sa aking pisngi.
sumisigid ang lamig
sa aking paanan
ay malayang
nakikipaglaro ang alon
hindi katulad ko.
malupit ang mundo
wala na akong lakas pang lumaban
nasaid na
sa kung ilang taon ko ring
pakikipaghamok
sa mga unos ng buhay.
hayan na ang tubig
niyayapos
ang pagal kong katawan
ang tubig
na hanggang sa huling sandali
ng malungkot kong buhay
ay aking kaulayaw
hindi na nga lang ngayon
sa anyo
ng mga luha.
----------
H2O
the night is lonely
seemingly agreeing
to how i feel
the sky is too dark
ominous
the stars refuse to shine
and even the moon
is in connivance
as it chooses
to hide itself
beneath the clouds.
lightning
lightning
precedes the clap
of thunder
the same instance
when tears
stream down my cheeks
the coldness of the night
is seeping
down to my bones
on my feet
the waves
ricochet
against the shoreline
freely
so very unlike me.
the world is cruel
harsh
i don't have the strength
anymore
to continue fighting
for my strength
has been sucked out of me
drained
from fighting
too many
of life's battles.
here goes the water
here goes the water
embracing
my exhausted self
the water that
until the very end
of my sad life
has been
my constant companion
but now
not in the form
of tears.
=================
=================
"Tubig" or "Water" is the only Filipino poem that I ever wrote, written when I was twelve. Inspiration struck one night when the world was asleep and the kindred soul in me lay awake. The English translation was written in March this year.
No comments:
Post a Comment